Mahalagang
matutunan ang ibat ibang wika na ginagamit sa ating paligid upang tayo ay
magkaraoon ng maayos na pakikipagtalastasan at maayos na komunikasyon sa ating
kapwa, dahil dito nagkakaroon tayo ng mga kaibigan dahil tayo ay nagkakaunawaan,
napapahayag natin ang ating saloobin at ating mga nararamdaman. Ang pagkatuto
ng iba’t ibang lengguahe ay nakakatulong sa atin na maunawaan ang ating mga
kapwa na may ibang lengguahe sa atin.
Ngunit
sana wag natin kalimutan na Filipino ang mas dapat nating nililinang dahil ito
ay ating Wikang Pambansa, hindi masama na matuto din ng ibang Wika basta huwag
lamang kalimutan ang sarili nating atin.
"Ang pag-aaral ng wika ay kagaya ng paghuhukay ng isang nakabaong kayamanan. Kahit gumugol ka ng maraming oras, baka hindi mo pa rin makita iyon. Pero sa bawat hukay mo, mas lalo kang napapalapit sa pakay mo. Kaya kapag pinagsikapan mong matuto ng isang wika, makikita mo ang kayamanan". -Ethan
Ang wika ay isang mabisang tulay, nagkakaroon ng pagkakaintindihan dahil sa mainam na komunikasyon at sa ating pagsanay sa pakikipag-usap, nahuhubog din ang ating pagkatao, hindi lang ang gramatika.
Marami sa mga impormasyong nababasa natin sa libro, inrernet at iba pang napapanood natin ay nakasalin sa wikang interantional at ito ay ang wikang Ingles kaya kong tayo ay nakakaintindi nito madali na lamang sa atin na intindihin ang mga nakasulat o napapanood.
Tunay ngang isa itong tulay na nag-uugnay sa atin sa ating mundo
kayat mahalagang tayo ay matuto ng wikang ginagamit ng ating paligid upang tayo
ay magkaroon ng ugnayan sa ating mundo at ating kapwa tao. Bumuo ng isang
komunidad na merong pagkakaintindihan.
Claudine
Ramento
11-HUMSS
2
Set
B
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento