Miyerkules, Nobyembre 2, 2022

Ang Kahalagahan ng pagkatuto ng isang tao sa mga Wika o Wikang ginagamit sa kanyang paligid.

 

       Mahalagang matutunan ang ibat ibang wika na ginagamit sa ating paligid upang tayo ay magkaraoon ng maayos na pakikipagtalastasan at maayos na komunikasyon sa ating kapwa, dahil dito nagkakaroon tayo ng mga kaibigan dahil tayo ay nagkakaunawaan, napapahayag natin ang ating saloobin at ating mga nararamdaman. Ang pagkatuto ng iba’t ibang lengguahe ay nakakatulong sa atin na maunawaan ang ating mga kapwa na may ibang lengguahe sa atin.

    Ngunit sana wag natin kalimutan na Filipino ang mas dapat nating nililinang dahil ito ay ating Wikang Pambansa, hindi masama na matuto din ng ibang Wika basta huwag lamang kalimutan ang sarili nating atin.

           "Ang pag-aaral ng wika ay kagaya ng paghuhukay ng isang nakabaong kayamanan. Kahit gumugol ka ng maraming oras, baka hindi mo pa rin makita iyon. Pero sa bawat hukay mo, mas lalo kang napapalapit sa pakay mo. Kaya kapag pinagsikapan mong matuto ng isang wika, makikita mo ang kayamanan". -Ethan




Ang wika ay isang mabisang tulay, nagkakaroon ng pagkakaintindihan dahil sa mainam na komunikasyon at sa ating pagsanay sa pakikipag-usap, nahuhubog din ang ating pagkatao, hindi lang ang gramatika.

 Halimbawa ng pagiging mahalaga ng pagkatuto ng ibang wika. Kung ikaw ay pumunta sa ibang bansa katulad na lamang sa Amerika, ang wikang gamit nila ay ang salitang Ingles, paano kayo magkakaunawaan kung Filipino ang gamit mo at iba namn sa kanya. Kaya napaka importante na matuto tayo ng mga wika sa ating paligid upang tayo ay may maayos na kumunikasyon, at masabi at matanong natin kung saan tayo pupunta o mga bagay na kailangan nating tanungin dahil nasa ibang bansa ka.

Marami sa mga impormasyong nababasa natin sa libro, inrernet at iba pang napapanood natin ay nakasalin sa wikang interantional at ito ay ang wikang Ingles kaya kong tayo ay nakakaintindi nito madali na lamang sa atin na intindihin ang mga nakasulat o napapanood.

Tunay ngang isa itong tulay na nag-uugnay sa atin sa ating mundo kayat mahalagang tayo ay matuto ng wikang ginagamit ng ating paligid upang tayo ay magkaroon ng ugnayan sa ating mundo at ating kapwa tao. Bumuo ng isang komunidad na merong pagkakaintindihan. 



Claudine Ramento

11-HUMSS 2

Set B




Ang Kahalagahan ng pagkatuto ng isang tao sa mga Wika o Wikang ginagamit sa kanyang paligid.

         Mahalagang matutunan ang ibat ibang wika na ginagamit sa ating paligid upang tayo ay magkaraoon ng maayos na pakikipagt...